Saturday, February 16, 2013

My Dream Story





There was this story na matagal ko nang binabalak na isulat ngunit hindi ko masimulan dahil kulang pa ako sa information. I've been reading a lot about Witches lately since malaki ang role nila sa kuwentong ito. It's a Gothic romance inspired by Twilight (I'm not a Twilight fan, pero nabuo ang plot ng story kong ito after ikuwento sa akin ng pinsan ko ang buong Twilight book) and Harry Potter that's why it involves vampires and witches and monsters. 

It's about this girl named Yzabel who died of a vehicular accident while on her way to El Nido, Palawan. She died with twenty eight other passengers and then after forty days ay muli siyang nabuhay. Doon niya na-diskubre na isa siyang Magus (Witch). Nagkaroon siya ng bagong mundo, ng bagong mukha at ng bagong katauhan. From Yzabel, her name was changed into Crescent. She's a Healer, her healing power was so powerful that it can resurrect the dead (Necromancy as they call it). Dahil sa healing power niya na iyon ay marami ang naghangad na maging kaanib siya kabilang na si Lord Branzon, the most powerful vampire in the history of Crescentis (The World of Mist and Darkness). Crescent was adopted by the Skylarks, they are a group of Magus (purely female) guarding the portal--the only way towards the world of human. The Skylarks were known as The Coven of Guardians and was headed by Agatha. Ni-recruit nila si Crescent bilang pang-13 na member ng Coven, in that way ay mapo-protektahan din nila siya laban sa mga nais na gamitin ang kapangyarihan niya. Until a sneaky vampire ambushed Crescent one night. He was Lucian (hindi pa ito ang final na pangalan ng hero). Dinala siya ni Lucian sa isang underground castle at inutusan siya na i-resurrect ang angkan nito na pinaslang ni Lord Branzon daang taon na ang nakakaraan. At that's where their story starts. Siyempre dahil romance ito ay magkaka-in love-an sina Lucian at Crescent pero hindi magiging ganoon kadali ang lahat dahil mula sila sa magkaibang lahi. Isa itong tipikal na kuwento ng bawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. It was also about power, kung sino nga ba ang mas makapangyarihan? Si Lucian, si Lord Branzon o ang Coven? The main characters here had dark pasts, even Crescent who was not happy with her new life and special abilities. 

Challenge sa akin kung paano ko gagawing unique ang mga gagamitin kong characters dito since laganap ngayon ang mga kuwento kung saan bida ang mga bampira at mga witch. And I'm still figuring out what languages would I use? Tag-lish? Latin? Romanian? O "gawa-gawa na language ala JK Rowling"? Gaya nga ng nabanggit ko, nangangalap pa ako ng data kaya set aside muna ito. Focus muna ako sa traditional romance and hopefully one day, this dream story of mine will never be a dream anymore. 

1 comment: