Saturday, February 16, 2013

Si Mellicent Bilang Isang Manunulat







Ako 'yung tipo ng manunulat na walang sinusunod na outline. Hindi rin ako gumagawa ng profiles ng characters ko. Once a plot hit my head, either haharap ako sa computer o kukuha ako ng ballpen at steno notes at magsusulat ako nang magsusulat hanggang sa mapiga ang lahat ng ideas sa utak ko. I also prefer to write in a traditional way, meaning ay sa papel muna ako nagsusulat. Doon ako nasanay, eh. My first book Unexpected Romance was written first in an old notebook, ganoon din ang second at third manuscripts ko. Actually halos lahat ng manuscripts ko ay sa papel muna naisulat. Mas smooth kasi para sa akin ang flow ng ideas kapag papel ang kaharap ko and fine, tamad akong magtipa. Promise, hate ko talaga ang magtipa. I have this manuscript na matagal ko nang natapos, around June last year and until now, hindi ko pa siya naita-transfer sa computer. I asked my sister to type it down for me ang kaso...hindi niya maintindihan ang writing ko. Lol.


Emotional din ako. Emotional to the point na humahagulgol ako sa harap ng computer. Sa tuwing magtatapos ang mga nobela ko ay bumabaha ng luha. Hindi ko alam kung dahil natutuwa ako at naitawid ko ang nobelang iyon o dahil nalulungkot ako at magpapaalam na ako sa mga characters na nagkaroon na ng attachment sa akin? Maybe both? Minsan naman ay napapaiyak ako sa mga litanya ng heroes lalo na sa "kiss and make-up" part, I wanted to find someone na magsasabi sa akin ng mga lines na 'yun. Sino ba ang hindi nangangarap ng ganoon, di ba?


Sadista akong writer. Gustong-gusto ko na pinag-ka-clash ang mga characters ko o kaya ay inilalagay ko sa isang compromising situation ang heroines ko. I love writing comedy, I love creating funny and naughty heroines, nakaka-lighten kasi sila ng mood. But then lately ay gusto ko nang lumabas sa "comfort zone" na tinatawag at sumubok ng bagong genre. I want to challenge myself and test my versatility as a writer. 


Bilang writer, anu-ano ang mga kinatatakutan ko? 


Takot ako na masira ang computer ko. Takot ako na ma-virus or ma-corrupt ang files ko. Takot ako sa plagiarism. Takot ako na masabihan na nanggagaya ako ng gawa ng iba. Takot ako na ma-reject-an ng manuscript. Takot ako na hindi ko ma-please ang readers ko, takot ako sa bad reviews. 


Lahat ng 'yan ay mangyayari someday but that won't stop me from writing because I don't want to fail. Ayon kasi sa isang quote na nabasa ko, "You fail only if you stop writing."




AN INTERVIEW WITH MYSELF: RANDOM QUESTIONS...



Q: Gaano katagal bago ako makatapos ng isang manuscript?

A: 10 days to two weeks, depende sa mood ko.


Q: Saan ako kumukuha ng inspirasyon? 

A: Madalas ay sa nababasa at napapanood ko, minsan naman ay sa kuwento ng mga taong nakapaligid sa akin, sa personal experience ko, lalo na sa mga frustrations ko sa buhay. 

Q: Takot ba akong ma-reject-an ng manuscript?

A: Dati, oo. Iniiwasan ko talaga na humantong sa rejection ang manuscript ko dahil alam ko na isa iyon sa magpapababa ng self-esteem ko. Pero na-realized ko na matagal na akong nakakatanggap ng iba't ibang klase ng rejection--mula sa mga taong gusto ko, sa mga kompanya na in-apply-an ko, minsan ay sa sarili ko...pero kinaya ko naman lahat ng iyon. I cried, I got hurt but I stood up again and move on, I think that's what matters. Those rejections molded me into someone na mas matatag. So far ay hindi pa ako nakakatanggap ng feedback na "returned" pero alam ko na someday ay matitikman ko rin iyon, part ng buhay ng isang writer 'yon, I guess, kagaya rin ng bad reviews at criticisms. 

My views about bad reviews and criticisms: 

Inihahahanda ko na ang sarili ko sa mga 'yan, gaya nga ng isang gasgas na kasabihan, "you can not please everybody", hindi lahat ng tao ay gusto ang isusulat ko, darating ang panahon na may magsasabi ng masama tungkol sa gawa ko. Masasaktan ako pero hindi ako magagalit, wala akong karapatang magalit since opinion ng reviewer na iyon ang ipinapahayag niya. Marami akong nababasang reviews sa Goodreads, most of the time I agree with them, I can see their point and I respect the reviewers. Sila ang isa sa pinaka-prangkang tao na kilala ko. Sasabihin ninyo na kaya ko nasasabi kito dahil hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng bad review, that I'll be singing a different tune once may nag-"bash" ng akda ko... well all I can say is, receiving a bad review is better than receiving a fake appreciation or receiving nothing at all. 

No comments:

Post a Comment